“Maiba naman”, Mayor Isko Moreno, sinimulan nang manligaw ng mga botante sa Maynila

“Maiba naman”

ito ang pahayag ni presidential candidate at Manila Mayor Isko Moreno sa kaniyang talumpati kasabay ng pagsisimula kahapon ng campaign period.

Sa proclamation rally ng Aksyon Demokratiko na ginanap sa Kartilya ng Katipunan, iminungkahi ni Moreno sa mga botante na pumili naman ng ibang mamumuno maliban sa pula at dilaw na 39 taon nang naglalaban.


Ipinunto ni Moreno na walang aasahang pagbabago sa resulta kung paulit-ulit lamang naman ang pinagmulan ng mga inihahalal na mamumuno.

Nanawagan naman si Moreno sa kaniyang mga taga-suporta na maging magalang at gumamit lamang ng facts sa pagpapaliwanag sa social media.

Samantala, present din sa campaign kickoff kahapon ang kaniyang running mate na si Vice Presidential Candidate Dr. Willie ong habang naroon din sina Jopet Sison, Samira Gutoc at Carl Balita na tumatakbo naman sa pagkasenador.

Facebook Comments