DALAWANG MIYEMBRO NG SANGGUNIANG BAYAN NG POZORRUBIO NABIKTIMA NG DELIVERY SCAM

POZORRUBIO, PANGASINAN – Inihayag ng Sangguniang Bayan ng Pozorrubio na dalawang miyembro nito ang biktima ngayon ng Delivery Scam.

Ayon sa inilabas na pahayag ng SB, unang biktima ng scam ay si SB Member Miguel Abalos kung saan 30 food packs na nagkakahalaga ng 14,000 ang dumating sa nasabing opisina at nakapangalan sa kaniya.

Sumunod namang nabiktima ay si SB Member Maximiano Balelo na di umanoy nag order ng pork lechon belly na nagkakahalaga ng 3, 500.

Ayon sa delivery boy ng lechon, ginamit daw ang naturang pangalan ni Balelo at galit na galit na pinamamadali ang paghatid ng order.

Nakipag-ugnayan na ang mga ito sa pulisya at napag-alaman na ito ay isa sa gawain ng mga pekeng kliyente.

Nagbabala ngayon ang lokal na pamahalaan sa mga negosyante na maging maingat sa pagtanggap ng mga orders sa mga at tumawag na muna sa mga kinauukulang opisina bago ihatid ang order.

Hinikayat din nito ang publiko na isumbong ang kaparehas na scam upang maiwasan ang pagkalugi ng mga cafe at food shops sa loob at labas ng bayan. | ifmnews

Facebook Comments