MAIBABALIK NA | Balangiga Bells, darating na sa bansa sa Martes

Manila, Philippines – Darating na sa Martes ang mga makasaysayang Balangiga Bells mula sa Estados Unidos.

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang handover ceremony nito sa pagitan ng Amerika na gaganapin sa Villamor Air Base sa Pasay.

Kahapon lang, tinanggal na sa kanilang pinaglalagyan ang dalawang Balangiga Bell na nasa F.E. Warren Air Force base sa Wyoming.


Habang ang ikatlong kampanya ay nasa US Army museum sa South Korea.

Ayon kay DND Spokesperson Arsenio Andolong, i-airlift ang nasabing mga kampana mula sa US Air Force plane papuntang Villamor air base.

Facebook Comments