KUMPIRMADO | Murang commercial rice, mabibili na sa mga supermarket!

Manila, Philippines – Mabibili na sa mga supermarket ang commercial rice na may presyong P34 hanggang P39 kada kilo.

Ito ang kinumpirma ni Department of Trade and Industry Sec. Ramon Lopez.

Sa ilalim ng inaprubahang administrative order no. 13 ng National Food Authority noong Oktubre, pinapayagan ng DTI ang ilang piling retailers na direktang mag-import ng bigas nang hindi na dumadaan pa sa mga trader.


Ayon kay Lopez – ginawa ito ng ahensya para mas mura at diretso na sa mga consumer ang pagbebenta ng bigas.

Unang naka-comply dito ang robinsons supermarket habang sa susunod na linggo inaasahang mabibili na rin ang mga murang commercial rice sa Puregold at Gaisano.

Facebook Comments