Maigting na Kampanya Kontra Iligal na Droga, Patuloy na Tinututukan ng PNP San Guiliermo!

San Guiliermo- Patuloy parin ang maigting na pagtutok ng PNP San Guiliermo sa kanilang kampanya kontra iligal na droga upang matiyak na maging malinis ang kanilang bayan sa ipinagbabawal na droga.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Inspector George Dayag ang Deputy Chief of Police ng PNP San Guiliermo sa naging panayam sa programang RMN Sentro Serbisyo kahapon Oktubre 13, 2018.

Aniya, sa ngayon ay maituturing naman umanong mapayapa ang bayan ng San Guiliermo at wala naman umanong mga mabibigat na insidente at mga kaso ang naitatala rito kaya’t sa ngayon ay puspusan din ang kanilang ginagawang pagtutok sa mga tokhang responders sa kanilang nasasakupang bayan,


Dagdag pa nito, mula umano sa dalawampu’t anim na barangay sa kanilang bayan ay nasa labing apat ang drug affected habang pito naman umano ang nakatakdang ideklara bilang drug cleared barangay.

Sa ngayon ay umaasa naman na malilinis ang bayan ng San Guiliermo sa usapin ng droga dahil sa maganada umano ang cooperasyon ng lokal na pamahalaan sa kanilang bayan at maging ang mga opisyal ng bawat barangay.

Samantala, puspusan din umano ang kanilang ginagawang drug symposium sa mga paaralan at mga barangay upang mapaalalahanan ang mga kabataan at iba pang mga residente sa hindi magandang epekto ng droga.

Facebook Comments