Main contractor sa Yolanda Housing Project, dumipensa sa isyu ng paggamit ng substandard materials

Eastern Visayas – Dumipensa ang main contractor ng Yolanda housing sa Eastern Visayas matapos na akusahan na gumamit ng substandard na materyales sa paggawa ng bahay.

Paliwanag ni Juanito Tayag ng JC Tayag Builders Inc., main contractor ng housing projects at resettlement sa Visayas, hindi naman lisensyadong engineer si Camilo Salazar, ang nagbulgar na gumamit ang contractor ng substandard na materials.

Aniya, kinuha ng JC Tayag Builders si Salazar bilang foreman at hindi engineer dahil kulang sila sa mga tauhan.


Paliwanag pa nito, tinanggal nila sa trabaho si Salazar dahil hindi ito sumusunod sa instruction sa mga itinatayong pabahay.

Unfair din umano para sa kanila na akusahan na lahat ng kanilang ginawang pabahay ay substandard dahil hindi ito totoo.

Nagkataon aniya na ang ilang units ay may mga maling materyales na ginamit pero hindi lahat ng gawang units ay substandard.

Itinanggi nito na ang JC Tayag Builders ang solong contractor dahil sa 7,573 units sa Samar, nasa 2 libong units lamang ang ini-award sa kanila.

Facebook Comments