Main gunman sa Batocabe slay case, dinaya sa bayad kaya nagsalita at sumuko

2044

Mangiyak-ngiyak na humingi ng tawad sa pamilya Batocabe ang main gunman na si Henry Yuson.

Sabi ni Yuson sa kanyang pagharap sa media, napag-utusan lamang siya ni Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo na patayin si Batocabe.


Ibinunyag din ni Yuson na nagka-trayduran sa kanilang grupo dahil kahit piso ay wala siyang natanggap mula sa ipinangakong bayad.

Laking pagsisisi rin niya aniya dahil hindi naman pala totoo ang ipinangako sa kanila ni Mayor Baldo.

Ayon pa kay Yuson, gusto kasing manatili sa puwesto ni Baldo bilang alkalde ng Daraga.

Naniniwala naman si PNP Chief Oscar Albayalde na onsehan sa bayaran kaya nagsalita at sumuko ang mga suspek.

Facebook Comments

From Advertisers