Maine Mendoza at Carlo Aquino magtatambal sa pelikula

Image via Twitter/Black Sheep

Network war no more?

Sa isang pambihirang pagkakataon, magsasama sa pelikula sina Kapamilya actor Carlo Aquino at Kapuso star Maine Mendoza.

Nitong Huwebes, opisyal nang inanunsyo ng Black Sheep Production ang pagtatambal ng dalawa para sa pelikulang pinamagatang “Isa Pa With Feelings”.  Ito rin ang unang beses na makikipagtrabaho si ‘Yaya Dub’ sa ABS-CBN at nasabing movie production.


 

Ang “Isa Pa With Feelings” ay ididirek ni Prime Cruz.

Ang magiging kuwento ay tungkol sa dalawang taong nagkakilala na parehong sawi sa pag-ibig.

Wala pang ibang detalyeng nilalabas tungkol sa shooting schedule at target showing date sa mga sinehan.

Ngayon pa lamang, inaabangan ng mga fans nina Aquino at ‘Yaya Dub’ ang kanilang unang proyekto sa big screen. Ang ilan sa kanila, binulalas ang excitement sa social media.

Ayon kay Official Maine Buddies, papanoorin nila agad ito sa sinehan.

Sabi ni Kriz Garmen, sino bang magaakalang mabubuo ang tandem na ito.

THE TANDEM NOBODY THOUGHT WOULD HAPPEN. CARLO AQUINO. MAINE MENDOZA. BLACK SHEEP. WAAAAAAAH SALAMAT LORD!!! 😭😭😭 @mainedcm #IsaPaWithFeelings #CarloMaineBlackSheep pic.twitter.com/BYgWZwJ6NL

— Kriz Gazmen (@krizgazmen) June 27, 2019

Biro naman ni Elvs, promoted na si Maine Mendoza.

Sa ngayon, pasok sa top 10 trending topics ng Twitter sina Mendoza at Aquino.

Facebook Comments