You're viewing an older RMN Networks article from our archives.

Volleyball phenom Alyssa Valdez, nalalapit na ang acting debut

Matapos patunayan ang galing sa larangan ng sports, sumabak na rin sa pag-arte si dating Ateneo volleyball star Alyssa Valdez.

Sa July 17 ay matutunghayan na ang romance-drama film na “My Letters to Happy” kung saan gaganap na office girl ang two-time UAAP.

Pero bago ito, nagpatikim na ng acting skills si Valdez nang sinubok on-the-spot ng TV host na si Boy Abunda sa “Tonight with Boy Abunda.”

Hinamon siyang i-reenact ang linya mula sa pelikulang “Got to Believe” na iba-ibang emosyon.

Pagbibidahan ni TJ Trinidad at Glaiza de Castro ang nasabing pelikula sa direksyon ni Pertee Brinas.

Facebook Comments