Maine Mendoza, in-unfollow si Alden sa Instagram?

Ikinagulat ng AlDub fans ang pag-unfollow ni Maine Mendoza sa ka-love team niyang si Alden Richards sa Instagram kagabi.
Pagkatapos nito, nag-post rin si Alden sa kanyang Instagram account ng salitang “Clueless” na binura rin naman niya agad-agad.
Ayon kay Maine, aksidente lamang niyang napindot ang unfollow button kay Alden kaya’t humingi rin siya dito ng paumanhin.
Sinabi ni Maine sa kanyang Twitter na walang “bad blood” na namamagitan sa kanilang dalawa.

Facebook Comments