Babaeng driver na pinatay sa Laguna, nagtamo ng higit 50 saksak – PNP

16820
From Facebook/Robyn Jang Lucero

Paghihiganti, pagnanakaw, at love triangle ang ilan sa motibong sinisilip ngayon ng pulisya hinggil sa karumal-dumal na pagpatay sa babaeng driver na si Robyn Jang Lucero.

Natagpuan ang katawan ni Lucero na nagtamo ng higit 50 saksak sa loob ng kaniyang kotse sa Bucal Bypass Road, Calamba, Laguna noong Linggo ng gabi.


Bunsod ng dami ng saksak, may posibilidad na malaki ang galit sa biktima ng mga nasa likod ng krimen.

Batay sa paunang imbestigasyon, karamihan ng mga tinamong saksak ng 34-anyos na drayber ay sa dibdib at malapit sa puso. May palatandaan din umano na nasa likurang bahagi ang sumaksak kay Lucero.

(BASAHIN: Babaeng driver, nakitang patay at tadtad ng saksak sa loob ng kotse niya)

Posible rin daw na higit isa ang suspek, ayon sa panayam kay Police Lieutenant Colonel Gene Licud, hepe ng Calamba Police.

Bago makita ang labi ng biktima, inihatid muna niya ang kasintahan sa Bae, Laguna noong gabi ng June 28.




Pagkatapos nito, nagpaalam siya sa nobya na maghahatid ng tatlong pasahero na nag-book sa pamamagitan ng Facebook sa Gil Puyat Avenue, Metro Manila.

Facebook Comments