Mainit at Maalinsangan na Panahon, Kinumpirma ng DOST Weather Forecast!

Cauayan City, Isabela – Hatid ng mainit at maalinsangang hangin mula sa pacific ocean at paminsan minsan na pa-ulan ang easterly weather system ngayon dito sa bansa. Ito ang inihayag ni Ramil Tuppil, Weather Forecast ng DOST Echague sa programang Straight To The Point ng RMN Cauayan.

Ayon pa kay ginoong Tuppil nitong nakalipas na Abril dyes naideklara sa bansa ang tag-init na panahon sa kabila na may mga pabugso-bugsong pag-ulan lalo na sa hapon at gabi sa nakalipas na linngo.

Ipinaliwanag pa ng Weather Forecast na Heat Index kapag mainit ang panahon pero hindi pareho sa tamang temperatura kung saan mataas din ang humidity nito.


Samantala ang amihan umano ay may hatid na lamig na hangin mula sa Cyberia na tumatawid sa lugar ng Nothern China, Japan o Korea patungo sa bansa na may kalat kalat na pag-ulan sa buwan ng Nobyembre hanggang Febrero.

Sinabi pa ni ginoong Ramil Tuppil na umaabot sa buwan ng Marso ang may malamig na hangin dahil sa nag-iiba na umano ang weather system ng bansa o ito ay nasa transition system na ang panahon.

Facebook Comments