Malaking Halaga ang Nawala, Dahil sa Sunog!

Cauayan City, Isabela – Umabot sa mahigit’kumulang sa tatlumpung libong piso ang nawala sa isang negosyante matapos na masunog ang pwesto kagabi sa oras na alas otso y medya sa Frenza Highway, District 1, Cauayan City.

Nakilala ang negosyante ng aircondition at refrigirator repair shop na si Nenita Padilla residente ng nasabing lugar.

Nagresponde agad ang Rescue 922 at BFP Cauayan City kung saan over loaded ng electrical wirings ang naging sanhi ng sunog.


Sa naging panayam ng RMN Cauayan kay Fire Senior Inspector Jamila May Baloran ng BFP Cauayan City, aniya kinakailangan na maging maingat sa paglalagay ng mga bagay na maaring pagsimulan ng sunog.

Ayon naman kay Senior Fire Officer 1 Eliseo Cabasal ng BFP Cauayan, bantayang mabuti ang mga ginagawa tulad ng pagluluto o pagsususnog para hindi maging biktima ng sunog lalo sa ngayon na sobrang mainit na ang panahon.

Facebook Comments