Mainit na panahon, aasahan sa buong bansa

89

Manila, Philippines – Asahan pa rin ang mainit at maalinsangang panahon sa buong bansa.

Gayunman, asahan ang isolated rainshower sa dakong hapon o gabi sa Kamaynilaan at sa nalalabing bahagi ng bansa.

Patuloy naman makakapekto sa bansa ang easterlies o hanging nagmumula sa dagat pasipiko.

Samantala, posibleng pumalo sa 41 degree celsius ang heat index sa Metro Manila, ngayong araw.

Nabatid na umabot sa 42 degree celsius ang heat index alas-3 ng hapon sa science garden sa Quezon City kahapon.

Sunrise: 5:33 am
Sunset: 6:13 pm
DZXL558

Facebook Comments