Maintenance ng mga isolation at treatment facilities ng PNP, tuloy kahit patuloy ang pagbaba ng COVID cases sa kanilang hanay

Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz na magpapatuloy ang maintenance nang kanilang mga isolation at treatment facilities kahit pa patuloy ang pagbaba ng mga nagpopositibo sa Coronavirus sa kanilang hanay.

Aniya, hindi sila nagpapakampante na talagang wala nang gagamit pa ng mga isolation at treatment facilities dahil sa COVID -19.

Noong nakaraan kasi aniya ay mula sa pitong kaso ay biglang pumalo sa 60 kaso ang naitalang nagkasakit ng COVID-19 na kailangang gumamit ng kanilang mga pasilidad.


Pero sa ngayon may pitong pasyente na lamang sa Kiangan and Treatment facility sa Camp Crame sa Quezon City.

Samantala, ipinagmalaki naman ni Vera Cruz na halos 100% na nang kanilang hanay ang bakunado.

2,884 PNP personnel na lamang daw ang ayaw magpabakuna, 859 dito ay mayroong valid reasons dahil sa kanilang medical conditions.

Facebook Comments