Maintenance ng MRT 3, pinatitiyak sa DOTr na hindi na papalpak

Manila, Philippines – Pinatitiyak ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Department of Transportation (DOTr) na hindi na papalpak ang maintenance ng MRT 3.

Ito ay matapos na tuluyang kanselahin ng DOTr ang kontrata ng Busan Universal Rail Incorporated o BURI.

Iginiit ni Zarate na obligasyon ng DOTr na tiyakin na ligtas ang byahe ng mga pasahero at panatilihing abot kaya ang pamasahe ng MRT3.


Sa kabilang banda, bagamat welcome development para sa kongresista ang tuluyang pagkansela sa kontrata ng MRT3 sa BURI, sinabi ng mambabatas na noon pa sana ito ginawa at hindi pinatagal pa.

Kung noon pa sana aniya ginawa ang pagkansela ay nailigtas sana sa araw-araw na pahirap saagsakay ng MRT ang mga commuters.

Hiniling pa ni Zarate ang agad na pagsasampa ng kaso sa mga responsable sa palpak na operasyon ng MRT3.

Facebook Comments