Manila, Philippines – Natapos na ang maintenance work para sa Tagaytay radar matapos tanggalin ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Notice to Airmen nito kagabi, hudyat ng pagbabalik normal ng operasyon ng mga flights sa NAIA.
Ayon kay Capt. Manuel Antonio Tamayo, ang Deputy Director General for Operations ng CAAP, sa muling pagbabalik operasyon ng Tagaytay radar ay siniguro nito na ginagawa nito ang lahat para sa mas ligtas at mas maayos na serbisyo sa publiko.
Pinasalamatan ni din Tamayo ang mga aviation stakeholders, airline companies at ang Manila International Airport Authority sa kanilang pakikipagtulungan upang mabilis na matapos ang nasabing maintenance work.
Ayon pa sa CAAP, kinailangan na ding sumailalim ng Tagaytay radar sa maintenance dahil magkakaroon na ito ng bagong satellite-based communications, navigation, surveillance / air traffic management systems (CNS/ATM) na lalong magpapalakas sa kakayahan nito.
Sa darating na Hulyo ay nakatakdang i-turn over sa CAAP ang nasabing communication system na magpapalakas sa pagmo-monitor ng flight information region ng bansa.