Manila, Philippines – Maari nang ipamahagi ang 700,000 plaka ng sasakyan na kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC)
Binawi na kasi ng Korte Suprema ang inisyu nitong Temporary Re-training Order noong Hunyo 2016.
Ang mga plaka ng sasakyan ay kinumpiska ng BOC dahil sa kabiguan ng manufacturer nito, ang joint venture ng Power Plates Development Concepts Incorporated at J. Knieriem BV Goes, na magbayad ng buwis at customs duties.
Ang mga plaka ng sasakyan ay kinabibilangan ng 300 libong license plate para sa mga motor vehicle at 400 libong license plate para sa mga motorsiklo.
Sa En Banc Session kanina, idineklara rin ng Korte Suprema na Constitutional ang paggamit ng pondo ng gobyerno sa ilalim ng 2014 General Appropriations Act para sa pagpapatupad ng Motor Vehicle License Plate Standardization Program (MVPSP) ng Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation.
Una nang kinuwestiyon ni dating Abakada Partylist Representative Jonatahan Dela Cruz ang constitutionality ng kasunduan dahil sa kabila ng kawalan ng appropriation para sa nasabing programa, itinuloy ng gobyerno o ng nakaraang administrasyon ang bidding at pagagawad ng kontrata para sa programa.