MAIPAPASA │Senator Legarda, kumpyansang mapaplantsa ang bersyon ng senado at kamara ng 2018 budget

Manila, Philippines – Malaki ang kumpyansa ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda na maipapasa ang panukalang mahigit P3.7-trillion pesos na 2018 national budget ngayong linggo.

Ang pahayag ni Legarda ay sa harap ng ilang hindi pagkakasundo ng mga senador at kongresosta sa nilalaman ng 2018 budget.

Halimbawa nito ang isinusulong ni Senator Panfilo Ping Lacson na pagtapyas sa 50-million pesos sa pondo ng Dept. Public Works and Highways.


Sabi ni Legarda, nakausap na niya si Sen. Lacson hinggil dito kung saan aatasan na lang nila ang DPWH na tukuyin kung aling mga pinondohang proyekto nito ang may legal na isyu at hindi maisasakatuparan tulad mga problema sa right of way.

Imumungkahi ni Legarda na ang pondo para sa nabanggit na mga proyekto ay ilipat na lang sa iba tulad ng educational assistance, chalk allowance sa teachers, at PhilHealth.

Ayon kay Legarda, tiyak maaayos ang anumang hindi pagkakatugma o pagkakasundo ngayon dahil pare pareho naman ang kanilang adbokasiya na mapaboran ang sektor ng edukasyon, pulisya, marawi, magsasak, mga guro at mahihirap na sektor.

Base naman aniya sa kasaysayan ay palagi namang may pagkakaiba ang bersyon ng senado at kamara gayundin ang kagustuhan ng mga senador at kongresista pero ang lahat naman ay naiaayos pagdating sa bicameral conference committee.

Facebook Comments