MAISAAYOS ANG SERBISYO | Emergency at resiliency fund para sa mga electric cooperatives, aprubado na sa Kamara

Manila, Philippines – Inaprubahan ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 7054 o ang paglalaan ng emergency at resiliency fund para sa mga electric cooperatives.

Layunin ng paglalaan ng pondo na agad maisaayos at maibalik ang serbisyo ng mga imprastraktura ng mga electric cooperatives na nasira dulot ng kalamidad o anumang uri ng superior force.

Gagamitin ang pondo para sa disaster prevention, management, mitigation at rehabilitation ng mga nasirang imprastraktura ng mga electric cooperatives.


Kung maibabalik ang serbisyo ng kuryente sa mga nasirang imprastraktura ng electric cooperatives, makakatulong ito sa mga LGUs para mabilis na maipaabot ang tulong, gayundin ang pagsasagawa ng reconstruction at rehabilitation sa mga devastated areas.

Nakasaad din sa panukala ang patuloy na pagbibigay ng financial assistance ng gobyerno sa electric cooperatives at kung sakaling kulangin ay maaaring humiling ang National Electrification Administration na siyang mamamahala sa resiliency at emergency fund ng supplementary budget na subject for approval ng Pangulo.

Facebook Comments