MAISASABATAS NA | Panukalang batas na magpapadali sa proseso ng pagnenegosyo sa bansa, lagda na lang ni Pangulong Duterte ang kailangan

Manila, Philippines – Pirma na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay para tuluyang maisabatas ang “Ease of Doing Business Act o ang House Bill 6579.”

Niratipikahan na sa plenaryo ang panukala na layong pabilisin ang proseso ng pagbubukas ng negosyo sa bansa.

Sa ilalim ng panukala ay gagawing madali para sa mga negosyante ang proseso para sa pagkuha ng lisensya, clearances at permits para sa kanilang bubuksang negosyo.


Itinatakda ang isang araw na processing time para sa permit o clearance mula sa barangay habang para sa Local Government Units at national agencies ay tatlong working days para sa simple applications at sampung working days para naman sa complex application.

Dagdag dito, 30 working days naman ang itinatakda para sa pagpapalabas ng mga permit, accreditation o lisensya na nangangailangan muna ng technical evaluation.

Magtatatag din ng ease of doing businesscommission para i-review at rebisahin ang mga executive issuances at lumang batas na nagpapabagal sa pagbubukas ng negosyo.

Facebook Comments