MAISUSULONG! | Malacañang, naniniwala sa kakayahan ni CJ Lucas Bersamin sa pagtataguyod ng hudikatura

Manila, Philippines – Tiwala ang Palasyo ng Malacañang na maisusulong nila bagong Supreme Court Chief Justice Lucas Bersamin at Supreme Court Associate Justice Rosmari Carandang ang Judicial excellence at maipagtatanggol ang independence ng hudikatura mula sa mga tiwali sa hanay ng isa sa tatlong sangay ng Pamahalaan.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, sanay maging tagapagtanggol ng Rule of Law sina Bersamin at Carandang kasama na ang iba pang mahistrado ng Korte Suprema.

Sinabi ni Panelo na sina Bersamin at Carandang ay kabilang sa sinasabi ni Pangulong Duterte na the best and the brightest dahil ang dalawa ay kabilang sa top 10 ng kunin ng mga ito ang kanilang bar exams noong 1973 si Bersamin at 1975 naman si Carandang.


Nabatid na Tatanggap si Bersamin mamayang gabi ng Gusi Peace International Award at tumanggap narin ito ng ibat ibang parangal tulad ng Chief Justice Jose Abad Santos award bilang outstanding RTC Judge at Chief Justice Fred Rusi Castro memorabilla commission sa pagkakaron ng best decision sa civil law at criminal law noong 1999.

Facebook Comments