TINIYAK | Paglilinis sa hudikatura, kabilang sa mga prayoridad ni CJ Bersamin

Manila, Philippines – Tiniyak ni bagong Chief Justice Lucas Bersamin na prayoridad niya ang paglilinis sa hudikatura kasama na ang hanay ng mga hukom at rank and file.

Aniya, tututukan din aniya ang mga hukom na nadadawit o sinidindak ng mga drug traders na nagtatangkang mag-impluwensya sa desisyon ng lower courts sa drug cases.

Ayon kay Bersamin, palalakasin din niya ang moral ng mga kawani ng hudikatura.


Inihayag ni Bersamin na hindi niya inasahan ang pamumuno sa Korte Suprema

Sa katunayan aniya, hindi siya malapit sa Pangulong Duterte.

Una niya aniyang nakita ang pangulo sa oath taking sa Malakanyang ni retired Chief Justice Teresita de Castro.

Facebook Comments