Maaari pang bumaba sa 1,000 ang arawang bagong kaso ng COVID-19 na maitatala sa buong bansa pagsapit ng Disyembre.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, ito ay kung patuloy na susunod ang publiko sa mga ipinatutupad na health protocols.
Ibinabala naman ni David na maaari pa ring magbago ang trend o takbo ng kaso ng COVID-19 sa bansa kung hindi mag-iingat ang publiko.
Mayroon pa rin kasing posibilidad na tumaas muli ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas tulad nang naranasan sa iba pang bansa na kadalasang nagaganap kapag marami ang pagtitipon.
Matatandaang una nang sinabi ng OCTA na handa na ang Metro Manila na maibaba sa Alert Level 2 sa kalagitnaan ng Nobyembre.
Facebook Comments