DAGUPAN CITY, PANGASINAN – Wala pa sa ngayon umano na nakikita at kinokonsidera na lugar sa Pangasinan ng Commission on Election o COMELEC na maituturing bilang areas of concern para sa National at Local Elections sa susunod na taon.
Ayon kay Provincial Election Officer ng Pangasinan Atty. Marino Salas, sa susunod na taon partikular sa buwan ng Enero magsisimula ang campaign period at doon pa lamang din magsisimula ang pagbuo naman sa joint security meeting kasama ang hanay ng PNP at AFP.
Sa pagpupulong pa lamang na iyon, makikita ang mga lugar sa Pangasinan ang maaaring mapabilang sa areas of concern kaugnay sa eleksyon.
Ipinabatid naman din ni Salas na nagpapatuloy ang ginagawa ang project of precincts kung saan inaayos na ang listahan ng mga botante kung saan nga ba ito makakaboto pagdating ng halalan.###