Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Major General Charlton Sean Gaerlan bilang bagong Deputy Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines.
Ang bagong posisyon ay epektibo ng March 21, 2023.
Batay sa ulat ng Presidential Communications Office, si Gaerlan ay nanungkulan bilang Philippine Marine Corps Commandant.
Naging pinuno rin ng AFP Education, Training, and Doctrine Command.
Siya ay miyembro ng Philippine Military Academy “Makatao” Class of 1989.
Facebook Comments