May-ari ng MT Princess Empress, humarap sa NBI

Humarap sa National Bureau of Investigation (NBI) ang may-ari ng lumubog na MT Princess Empress sa Oriental Mindoro.

Ang pagsipot ni Raymundo Cabial ay bilang tugon sa subpoena na inilabas ng NBI Environmental Crime Division.

Nagtagal lang ng dalawang oras si Cabial.


Sumailalim sa mga pagtatanong ang may-ari ng barko tulad ng isinagawa noong isang linggo ng NBI sa mga crew member ng lumubog na barko.

Hindi na nagpaunlak ng pahayag sa media si Cabial.

Una na ring lumiham ang NBI sa ibang concerned agencies ng gobyerno upang bigyan sila ng mga dokumento na kakailanganin sa imbestigasyon.

Facebook Comments