Major General Rimando, Ipinag-utos sa 95th ID na Gumawa ng Pangalan!

Camp Melchor F. Dela Cruz – Ipinag-utos ni Major General Perfecto Rimando Jr. sa bagong talaga na Acting Commanding Officer ng 95th Salaknib Infantry Battalion na gumawa umano ng pangalan sa kasaysayan lalo na sa pagharap sa mga hamon ng serbisyo.

Sa naging talumpati ni Major General Rimando Jr. kahapon sa isinagawang Activation Ceremony at pagbubukas ng organization training ng mga kasundaluhan ng 95th IB na dinaluhan ng RMN Cauayan News Team, sinabi nito na maging totoo ang mga ito sa kanilang pangalan na salaknib.

Aniya, kasabay sa pormal na pagkakatatag ng battalion ay ang pagsasanay ng mahigit isang buwan upang matiyak na ang bawat isa ay handa na may sapat na kagamitan, may matatag na samahan upang tumayo bilang nagkakaisang pangkat na may iisang tinig, boses at galaw upang pagtagumpayan ang mga misyong naghihintay.


Nanawagan din si Major General Rimando sa mga kasundaluhang galing pa ng Jolo upang maging magandang gabay sa mga bagong sundalo na miyembro ng 95th salaknib IB sa kanilang mga pagsasanay.

Dagdag pa niya na wala umano siyang ibang aasahan kundi ang kanilang kahusayan at pagkakaisa na protektahan ang bawat miyembro ng battalion  maging ang taong bayan.

Facebook Comments