Majority leader Fariñas, magsasampa ng kaso laban sa mga opisyal na nagpadeklara sa kanyang persona non grata sa Ilocos Norte

Manila, Philippines – Magsasampa ng kaso si House Majority Leader Rodolfo Fariñas sa walong myembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Norte na nagpapadeklara sa kanyang persona non grata sa lalawigan.

Ayon kay Fariñas, nilalabag ng Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Norte ang kanyang constitutional rights.

Iginiit ni Fariñas na walang karapatan ang Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Norte na ideklara siyang persona non grata dahil siya ay kinatawan ng nasabing lalawigan at hinalal ng mga residente doon.


Bukod dito, kahit sino at maging ang mga convicted criminals ay hindi pwedeng ideklarang persona non grata.

Paliwanag ni Fariñas, ang pagdedeklara ng persona non grata ay para lamang sa diplomatic relations partikular sa mga dayuhan.

Ginawa ito ng Sangguniang Panlalawigan ng Ilocos Norte matapos na i-contempt at ikulong sa Batasan Complex ang Ilocos 6 dahil sa isyu ng pagbili ng mga sasakyan ng lokal na pamahalaan gamit ang tobacco funds.

Facebook Comments