Majority Leader Rodolfo Fariñas, hinamon na magharap na sila ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos

Manila, Philippines – Hinamon na rin ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas kay Ilocos Norte Gov. Imee Marcos na magharap na silang dalawa at sagutin na ng gobernadora ang mga ibinabatong alegasyon na iregular na paggamit ng tobacco excise fund ng Ilocos.

Ayon kay Fariñas, magsasagawa siya ng counter press conference at hinahamon si Gov. Marcos na sabay nilang gawin ito.

Kasabay nito ay pinahaharap na rin ng mambabatas ang gobernadora kung totoo ang paninindigan ni Marcos na walang iligal sa paggugol ng 66.4 million na pondo mula sa tobacco excise tax.


Kinuwestyon pa ng kongresista kung bakit nito inutusan ang Ilocos 6 na sabihing nakalimutan na ang transaksiyon at mag invoke ng right against self-incrimination.

Bukod dito, palaisipan din kung bakit mas pinili ng Ilocos 6 na madetain at kung bakit ipinagpipilitan na ligal ang transaksyon pero walang maipakita na orihinal na dokumento.

Hinala naman ni Fariñas, takot ang mga ito na matanong sa kung sino ang aktwal na tumanggap ng 66.4 million cash.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments