Majority senators, naglabas ng resolusyon na sumusuporta sa martial law sa Mindanao

Manila, Philippines – Naglabas ng resolusyon ang senate majority bloc na suportahan ang idineklara ni Pangulong Duterte na martial law at suspensyon ng habeas corpus sa Mindanao.

Ito ay ang senate resolution 388 na Expressing the Sense of the Senate na sumusuporta sa proclamation 216 na inilabas ni Pangulong Duterte, kung saan nakapaloob ang kanyang hakbang sa gulo sa Mindanao partikular sa Marawi City.

Nakasaad din sa resolusyon na wala silang nakikitang dahilan para ipa-revoke ang nasabing deklarasyon ng martial law.


Nakapaloob sa resolusyon ang laman ng report ng Malakanyang kaugnay ng paglusob ng Maute terror group sa Marawi.

Pirmado ito ng 15 senador na kinabibilangan nina, Koko Pimentel, Tito Sotto, Recto, Angara, Binay, Ejercito, Gatchalian, Gordon, Honasan, Lacson, Legarda, Pacquiao, Villanueva, Villar at Zubiri.

17 ang senador na majority bloc, tanging sina Senator Chiz at Grace Poe ang hindi nakalagda sa nabanggit na resolusyon.

DZXL558, Grace Mariano

Facebook Comments