Makabagong evacuation center sa Western Visayas, minamadali na ng DPWH

Manila, Philippines – Puspusan na ang paggawa ng Department of Public Works and Highway sa Regional Evacuation Center sa Western Visayas.

Ayon kay DPWH Region 6 Director Wenceslao Leaño Jr. nagkakahalaga ng 34 milyong piso Evacuation Center na itatayo sa mataas na lugar ng Barangay Malili sa Roxas City, Capiz, kung saan minamadali na ang pagtapos nito para agad makatulong sa publiko sa oras ng panga-ngailangan.

Tinitiyak ni Leaño sa publiko na matibay ang pundasyon ng naturang Evacuation Center na kahit malakas na hangin at ulan ay hindi umano kayang tibagin.


Paliwanag ng opisyal na naka-pwesto ang makabagong Evacuation Center sa isang flood proof area at ito may 2-storey building na kumpleto sa prayer room, communication area, at storage room na pwedeng gawing play area base na rin sa Republic Act 10821o “Children Emergency Relief and Protection Act”.

Facebook Comments