Masiglang Kabuhayan, Agrikulturang Masagana, Kalusugan at Kaalamang Sapat , Angkop na Imprastraktura, Bayang Malinis, Alertong Komunidad, Gobyernong May Puso at Malasakit, Opurtunidad para sa Lahat, Nagbibigay ng Pantay na Karapatan at Sapat na Seguridad, Ginhawa at Kapayapaang Pangmatagalan o MAKABAGONG Maguindanao , ito ang 10 Point Socio- Development Agenda ng Administrasyon ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu .
Inilahadad ang MAKABAGONG Maguindanao Program kasabay ng isinagawang Provincial Peace and Order Council Meeting sa Provincial Capitol Extention, sa Buluan.
Aminado ang Gobernadora na sinasabing pangunahing hamon ngayon ng lalawigan ang mataas na “poverty incidence”, at “Unemployment Rate” dulot ng mahabang kaguluhan at kakulangan ng namumuhunan o “job opportunities”.
Kaugnay nito tutukan ni GMSM ang pangunahing pangkabuhayan ng mga taga Maguindanao , ang pagsasaka at pangingisda. Tutukan rin aniya nito ang usaping Pangkalusugan,Edukasyon, pagpapatayo ng mga Imprastraktura,Koleksyon sa Buwis, Pagiging handa ng Provincial Government laban sa natural na kalamidad at pagsugpo sa mga nanagyaring krimen , terorismo at illegal na droga.
Iginiit naman ng Gobernadora na hindi niya ito agad-agad na magagawa , kung wala ang suporta ng mga opisyales mula LGU lalo na ang Baranggay.
Makakamit lamang aniya ang Kaunlaran at Kapayapaan sa lalawigan kung ipaiiral sa bawat puso at maimplementa ng maayos ang pagiging Agila o “Ang Ginituang Layunin”.
MAKABAGONG Maguindanao hangad ni Governor Bai Mariam
Facebook Comments