CAUAYAN CITY – Makabagong pamamaraan at makinarya ang ginagamit ngayon ng mga magsasaka sa pagtatanim ng palay sa Cagayan Farm School and Agri-tourism Center sa Anquiray, Amulung, Cagayan.
Isa sa mga ito ay ang “walk behind transplanter”, kung saan nakakapagtanim ang mga magsasaka sa farm school sa pamamagitan lamang ng pagtutulak ng nasabing makinarya.
Sa pahayag ni Provincial Agriculturist Pearlita P. Mabasa, mahalagang sumabay ang mga magsasakang Cagayano sa makabagong pamamaraan ng pagtatanim.
Bagama’t isinusulong nila ang makabagong pamamaraan ay marami pa ring gumagamit ng tradisyunal na pagsasaka.
Samantala, sumasailalim sa Farmers Field School (FFS) ng Grains Production NC II ang 25 farmers sa farm school sa tulong ng Technical Education and Skills Development o TESDA-Cagayan/Regional.