Makabayan Bloc, naghain din ng petisyon sa SC para ideklarang unconstitutional ang ika-3 extenstion ng Martial Law sa Mindanao

Manila, Philippines – Dumulog na rin sa Korte Suprema ang mga kongresista mula sa Makabayan bloc para ipadeklarang unconstitutional ang ikatlong pagpapalawig sa martial law sa Mindanao.

Anila, walang ‘factual basis’ ang ikatlong pagpapalawig ng martial law sa Mindanao at bigo anila ang pamahalaan na patunayan na nagpapatuloy pa rin ang rebelyon sa rehiyon.

Wala rin anilang nagaganap ngayon na aktwal na pag aaklas doon.


Una nang naghain ang Magnificent 7 Congressmen ng kahalintulad na petisyon.

nagtakda na ang Korte Suprema ng oral arguments sa nasabing mga petisyon sa January 22 at 23.

Facebook Comments