Inihain ngayon ng Makabayan Bloc sa Kamara ang isang resolusyon na humihiling kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na pagkalooban ng “clemency” si Mary Jane Veloso.
Nagtungo mismo sa Kamara ang mga magulang ni Veloso sa Kamara para saksihan ang paghahain ng House Resolution.
Naniniwala ang Makabayan Bloc na karapat-dapat na gawaran ng clemency si Veloso dahil ito ay biktima ng human trafficking, at hindi drug mule.
Inaasahang makakabalik sa bansa si Veloso mula sa Indonesia kung saan siya nahatulang “guilty” at nasa “death row” dahil sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.
Facebook Comments