Pumalag ang mga kongresitang miyembro na Makabayan bloc sa panibagong banat ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa kanila.
Ito ay kasunod ng mga banat ng pangulo sa Talk to the People kagabi at hinimok pa ang publiko na huwag iboto sa darating na halalan ang mga partylist group na kilalang kaalyado ng mga makakaliwang grupo.
Ayon kay Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate, ang pinakabagong pahayag ng pangulo, na tinawag pa nitong chief red-tagger, ay maaaring panimula ng pagtaas ng harassment o karahasan sa mga militante at oposisyon.
Paaalala pa ng mambabatas na ang mga nakalipas na red-tagging at akusasyon laban sa Makabayan bloc at iba pang kritiko ay walang matibay na ebidensya at pawang fake news lamang.
Facebook Comments