Friday, January 23, 2026

Makabayan Bloc, umaapela kay Speaker Dy na tiyaking tatanggapin ang inendorso nilang ikalawang impeachment complaint laban kay PBBM

Nananawagan ang Makababayan Bloc kay House Speaker Faustino Bodjie Dy III na masusunod ang constitutional process at tanggapin ang inendorso nilang ikalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. Na inihain ng iba’t ibang progresibong grupo kahapon.

Apela ito ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio ng Makabayan Bloc makaraang hindi tanggapin ng opisina ni House Secretary General Cheloy Garafil ang kanilang impeachment complaint dahil sya ay nasa Taiwan para tumanggap ng pagkilala.

Diin ni Tinio, sa ilalim ng Saligang Batas ay walang intensyon na magkaroon ng karera sa paghahain ng reklamong impeachment dahil pwede naman ang kahit ilang reklamo sa isang impeachment proceeding.

Bunsod nito ay pinapatiyak ni Tinio kay Speaker Dy na sa pagbubukas ng session sa susunod na linggo ay maisasama ang inihain nilang impeachment complaint sa order of business sa plenaryo para ito ay mairefer din sa House Committee on Justice.

Facebook Comments