Makabayan Bloc, umaapela ng “special session” para maaprubahan agad ang mga panukala para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic

Kinalampag ng Makabayan Bloc ang liderato ng Kamara na magsagawa ng “special session” para talakayin ang Bayanihan 3 at ang isinusulong na dagdag na ayuda sa mga mahihirap na Pilipinong apektado ng COVID-19 pandemic.

Simula ngayong araw hanggang May 16 ay naka-break ang sesyon ng Kongreso para bigyang daan ang Holy Week.

Magkagayunman, tuloy pa rin ang committee hearings at meetings sa kabila ng session break.


Umaapela si Gabriela Partylist Representative Arlene Brosas na magdaos ang Kamara ng “special session” upang maaprubahan agad ang Bayanihan 3 Law at ang panukala ng Makabayan Bloc na P10,000 na pinansyal na ayuda sa mga mahihirap na apektado hanggang ngayon ng krisis.

Sa ilalim ng Bayanihan 3 Law o Bayanihan to Arise as One Act, mangangailangan ng P420 billion para sa patuloy na pagtugon sa epekto ng pandemya at upang maiahon ang nalulugmok na ekonomiya.

Ang panukala naman ng Makabayan na P10,000 na cash aid para sa mahihirap na pamilyang Pilipino ay nakabinbin pa rin sa Technical Working Group (TWG).

Ang panukalang ito ng Makabayan ay hiwalay pa sa P10,000 Ayuda Bill na inihain ni dating Speaker Alan Peter Cayateno.

Facebook Comments