Makabayan, nababahala sa pagtaas ng human rights violation sa ilalim ng bagong pamunuan ng PNP

Nagbabala ang mga kongresista sa Makabayan Bloc sa mas marami pang paglabag sa karapatang pantao kasabay ng pagtatalaga kay Police MGen. Debold Sinas bilang bagong Philippine National Police (PNP) Chief.

Hindi bumilib sina ACT teachers Partylist Rep. France Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas, at sina Bayan Muna Reps. Ferdinand Gaite at Eufemia Cullamat sa bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP).

Giit ng mga progresibong mambabatas, si Sinas ang utak ng mga iligal na pag-aresto at pagpatay sa mga aktibista, magsasaka at human rights defenders sa Central Visayas noong regional director pa ito doon.


Hindi rin naman na ikinagulat ng mga kongresista ng Makabayan ang pagkaka-appoint ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sinas na PNP Chief.

Ilang beses na rin anilang nakakuha ng posisyon ang mga kaalyado ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng mga alegasyon ng korapsyon o paglabag sa sariling mga patakaran.

Naniniwala pa ang mga kongresista na bahagi ito ng plano para paigtingin ang red tagging sa mga kritiko ng pamahalaan.

Umapela rin ang Makabayan sa publiko na maging alerto lalo pa’t nangyari sa ilalim ng command nito sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang napakaraming pag-aresto sa paglabag sa quarantine rules gayong siya na may mañanita party noong Mayo ay abswelto at nabigyan pa ng reward.

Facebook Comments