Manila, Philippines – Nagbabala si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na huwag sanang maliitin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkilos ngayong araw bunsod ng National Day of Protest.
Kasama din ang MAKABAYAN sa protesta ngayong araw kontra sa mga polisiyang ipinapatupad ng administrasyon.
Isinisisi ng MAKABAYAN na binabago at nililito ni Pangulong Duterte ang kasaysayan lalo na ang mga ginawang paglabag noon sa karapatang pantao ng pamilyang Marcos.
Mahalaga din aniya ang araw na ito dahil bukod sa ika-45 na taon na paggunita ng diktaturyang Marcos, pagkakataon ito para labanan ang balak na pagdedeklara ng batas militar sa buong bansa.
Minsan na kasing nabanggit ni Pangulong Duterte ang pagpapalawig ng martial law sa buong bansa dahil sa problema sa iligal na droga.
Ipinapanawagan din ng mga militanteng mambabatas ang tuluyang pagtigil sa marahas na kampanya kontra iligal na droga at tuluyang pag-lift ng martial law sa Mindanao.