Puerto Rico, hinagupit ng Hurricane Maria; Mahigit 3 milyong residente – apektado!

Puerto Rico – Apektado ang buong populasyon ng US territory na Puerto Rico ng Hurricane Maria.

Ayon sa Puerto Rican Disaster Management Agency, walang kuryente at lubog sa baha ang buong isla dahil sa bagyo matapos na mag-landfall, kahapon.

Samantala, delubyo rin ang naranasan ng ilang karatig isla sa Carribean tulad ng Dominica at US Virgin Islands dahil sa tindi ng hagupit ng isa sa pinakamalakas na hurricane na tumama ngayong taon sa rehiyon.


Facebook Comments