Manila, Philippines – Sa kabila ng banta ng Pangulong Duterte na ituring na terorista ang New People’s Army, nakiusap naman si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa Presidente na magbago pa ng isip tungkol dito.
Aniya, hindi militarist solution ang sagot sa rebelyon sa bansa.
Bagkus ay hinimok ni Zarate si Duterte na bumalik muli sa negotiating table sa pagitan ng National Democratic Front upang dito ay mapagusapan ang mga solusyon para wakasan na ang rebelyon sa bansa.
Nagbabala naman si Zarate sa Pangulo na tigilan na rin ang panggagaya sa uri ng pamamahala noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos na itinuturing na ultra fascist at anti-people.
Aniya, hindi malabong bumagsak kalaunan si Duterte kung susundan din nito ang ginawa noon ng diktaturyang Marcos.