Makabayan sa Kamara, hindi hahayaang hindi sila maiproklama sa katatapos na 2022 Elections

Hindi hahayaan ng Makabayan na gawing basehan ang disqualification cases para mawalan ng representasyon sa Kamara.

Ang reaksyon ay kaugnay sa naunang pahayag ni Commission on Elections (COMELEC) Commissioner George Garcia patungkol sa hindi pag-i-isyu ng “certificate of proclamation” sa partylists na may nakabinbing disqualification cases na kalauna’y binawi at ito ay depende pa sa desisyon ng En Banc.

Iginiit ng Makabayan na sila ay naiproklamang winning partylists at nabigyan din ng certificate noong 2019 sa kabila ng mga gawa-gawang disqualification case na inihain ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ilang araw bago ang May 2019 polls.


Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, sa katunayan ang mga kaso ay dapat pa ngang maibasura agad dahil ito ay luma, imbento at nakaangkla lamang sa red-tagging at iba pang isyung ibinabato sa kanila na walang matibay na basehan.

Mamayang alas-4:00 ng hapon ay ipoproklama na ng COMELEC – National Board of Canvassers (NBOC) ang mga nanalong partylist na may 63 seats sa Kamara.

Facebook Comments