Higit 200 pulis, ipinakalat ng MPD sa Manila North Cemetery

56

Aabot sa 250 na pulis mula sa Manila Police District (MPD) ang ipinakalat sa Manila North Cemetery.

Ito ay para sa paghahatid sa huling hantungan sa Reyna ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces.

Ayon kay Lt. Colonel John Guiagui ang Commander ng MPD Station 3, inaasahan na ng kanilang hanay na dadagsa ang nakikiramay sa pamilyang naulila ng aktres.


Sinabi pa ni Guiagui na titiyakin ng kanilang pamunuan na mapanatili ang peace and order pati na ang pagpapatupad sa physical distancing at iba pang health protocols laban sa COVID-19.

Pero pakiusap ni Guiagui sa mga makikipaglibing, iwasan nang magsuot o magdala ng mga mamahaling gamit para makaiwas sa mga masasamang loob.

Aniya, hindi kasi maiiwasan na samantalahin ng mga masasamang loob ang ganitong klaseng sitwasyon.



Inaasahan na bago mag-alas-12:00 ng tanghali ay ihahatid na sa huling hantungan ang aktres katabi sa puntod ng kaniyang asawang si Fernando Poe Jr. o FPJ sa Manila North Cemetery.

Facebook Comments