Manila, Philippines – Kinundena ng MAKABAYAN sa Kamara ang pagbasura ng makapangyarihang Commission on Appointments sa kumpirmasyon ni DSWD Secretary Judy Taguiwalo.
Giit ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, mukhang masyadong mahusay si Taguiwalo para sa mga miyembro ng Commission on Appointments (CA).
Naniniwala si Zarate na may ibang agenda ang mga miyembro ng CA dahil ang mga pabor sa pagpatay at pagbobomba ay nakakalusot pero ang mga matino at totoong naglilingkod ay palaging rejected sa komisyon.
Ayon kay Zarate, malaking kawalan sa Duterte administration si Taguiwalo dahil isa itong competent at dedicated na kalihim.
Dagdag pa ni Zarate, ang unang unang biktima ng rejection kay Taguiwalo ay ang mga taong pinagserbisyuhan nito sa DSWD.