Muling kinalampag ng Makabayan ang Kamara na magsagawa ng special session para tugunan ang pagtaas pa rin ng presyo ng langis sa bansa.
Ang sesyon ng Kongreso ay nakatakdang magbalik sa Mayo 23.
Kasabay nito ay hinihimok ng Makabayan ang Kongreso na magsagawa ng special session para resolbahin ang krisis sa mataas na presyo ng langis na ngayon pa lang ay malala na ang epekto sa kabuhayan at kita ng mga kababayang kabilang sa poor economic sectors.
Apela ng mga kabilang sa progresibong grupo na ngayon gawin ng mga mambabatas ang “patriotic act” na ang pangunahing tutugunan ay ang interes ng publiko.
Partikular na pinasusupindi ang singil sa excise tax at VAT sa langis gayundin ay pinawawalang bisa ang Oil Deregulation Law.
Dahil sa ipinapataw na excise tax at VAT ay P13 hanggang P17 sa kada litro ng gasolina at diesel products ang nadadagdagan salig na rin sa nakapaloob sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law at Expanded VAT Law.