Pagpasa sa batas na nagpapalawig sa hanggang 3 taong panunungkulan ng ilang AFP officials, mas makakatulong daw sa millitar

450

Magbibigay ng stability sa buong hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakapasa ng Republic Act 11709 o ang pagpapalawig nang hanggang tatlong taon ng termino ng ilang AFP officials na nakatalaga sa mga mahahalagang posisyon.

Ito ang sinabi ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala kasabay ng pahayag na makakatulong ito sa AFP para mas ipagpatuloy ang kanilang mandatong protektahan ang mamamayan at ang estado.

Ayon kay Zagala, welcome sa hanay ng AFP ang pagkakapasa ng batas na maliban sa magbibigay ng stability sa military organization, mas magiging efficient at epektibo aniya ang AFP para sa mas maging credible armed forces na siyang source ng national pride.


Sinabi pa ni Zagala, nagpapasalamat ang AFP sa kasalukuyang administrasyon, sa Senado at House of Representatives sa patuloy na pagsuporta sa programa at operasyon ng AFP.

Facebook Comments