Makabayan sa Kamara, naghain ng resolusyon na palawigin pa ng isang buwan ang voter registration

Pinapalawig ng Makabayan Bloc sa Kamara ang voter registration deadline ng Commission on Elections (COMELEC) hanggang October 31, 2021.

Inihahain ng Makabayan congressmen ang House Resolution 2128 na layong palawagin pa ang orihinal na September 30 na deadline at i-extend pa ito hanggang October 31 para sa pagpaparehistro ng mga bagong botante.

Bunsod ng COVID-19, ang layunin ng resolusyon na maiwasan ang massive voter disenfranchisement.


Ayon kay Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago, ikinababahala niya ang nasa 13.1 million prospective voter sa 2022 national elections na nagbabadya na ma-disenfranchise ito dahil sa mga backlog o challenges na dulot ng voterm registration.

Tukoy ni Elago, ang September 30 deadline ay naisagawa na bago pa man magsimula ang pandemya, karapatan naman ng Comelec na palawagin ang deadline, gayundin sa limitasyon ngayon sa pagpaparehistro ng mga botante dahil sa mga problemang dulot ng pandemya.

Bukod pa rito, iginiit ni Elago na bumaba rin ang bilang ng mga satellite voter registration at natigil din ang proseso sa mga center dahil sa mahigpit na COVID-19 regulations.

Ilan pa sa mga hamon ng voter registration ngayon ay ang mga limitadong slot, hindi epektibong registration sites, early cut-off, pagpalya ng online voter registration system at iba pa.

Facebook Comments