Ihahain agad ng Makabayan Bloc sa Kamara ang mga panukalang batas na makakabawas sa matinding epekto ng “oil crisis”.
Ayon kay ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro, ang magkakasunod na “big-time oil price hikes” ay lubos na nakaapekto sa mga Pilipino dahil sa nagresulta ito sa pagtaas din ng presyo ng mga pangunahing serbisyo at bilihin tulad ng pagkain.
Ilan naman sa mga panukalang batas na ihahain ng Makabayan para makatulong sa mga Pilipino sa mataas na fuel prices ay ang mga sumusunod :
-Pagpapawalang bisa sa ipinapataw na VAT at excise taxes sa langis;
-Unbundling ng presyo ng mga produktong petrolyo upang makita ang transparency sa tunay na presyo ng langis;
-Pagpapawalang bisa sa Oil Deregulation Law at pagpapatupad ng bagong policy framework na titiyak na ang presyo ng petrolyo at langis ay tama at regulated;
-Pagbabalik sa pamahalaan ng petron para sa abot-kayang presyo ng petrolyo;
-Pagtatatag ng National Petroleum Exchange Corporation na magsisilbing sentro ng importasyon at distribution hub ng oil at petroleum products.
Kasabay nito ay hinimok ni Castro ang mga myembro ng 19th Congress na madaliin ang pagpapatibay sa mga panukala upang agad ay makabawas sa paghihirap ng mga Pilipino.